Monday, November 16, 2020

The Wonders of Bohol

Hindi ko makakalimutan ang huli naming bakasyon sa Bohol na puno ng pananabik at mga unang karanasan. Ang Bohol ay kilala dahil sa kanyang mga isla at mga kweba na iyong mapupuntahan, dalawang lugar na may natatanging ganda at kasaysayan.

Mula sa ciudad ng Ormoc kailangan namin pumunta muna ng Cebu dahil walang direktang barko papuntang Bohol. Aabot naman ng 3-6 na oras ang biyahe. At mula sa Cebu tsaka kami sumakay ng barko papuntang Tagbilaran Bohol na aabutin ng 2 oras. Kung galing ka naman sa Manila ay aabot ito ng isang oras at kalahati kung sasakay sa eroplano.

Pagdating namin sa Tagbilaran port ay agad kaming nag renta ng Van papuntang Panglao Island (17 min via Van). Maari din kayong mag tricycle at Jeep ngunit kung marami kayong gamit ay mas madali at comportable na mag renta ng Van. Pagdating sa isla ay sasalubong sayo ang preskong simoy ng hagin at matatanaw mo ang nagniningning na puting buhangin dahil sa sinag ng araw at ang malinaw na dagat na naghahalong kulay asul at berde. Dahil nasa buwan na iyong disyembre mas lalong dumadami ang dayuhan sapagkat ang ibang mga turista ay pumupunta roon para tumakas sa malamig na klima ng kanilang bansa.


ALOHA BEACH PANGLAO ISLAND



Pag sapit naman ng gabi ay mas lumiliwanag at uminit ang mga pangyayari. Unang beses kong naranasan na mag hapunan sa tabi ng dagat habang napapalibutan ng musika, masarap na pagkain at mga taong nagtatanghal gamit ang apoy at iba pa. Marami kang pwede gawin kahit na gabi na sapagkat tila hindi natutulog ang isla. Maraming mga souvenir shops, convenient stores, restaurant at sea food stalls na makikita mo habang naglalakad lakad lang sa beach. Hindi mo na kailangan umalis ng isla para bumili ng mga kakailanganin.

Sa sumunod na araw ay naisipan naming mag "Island Hoping" at mag snorkling kasama ang mga pawikan. Ito ay ilan lang sa aming mga napuntahan sa dalawang araw namin sa Isla:

Balicasag Island

Ang Balicasag Island at Virgin Island ay mga magaganda at maliliit na isla na katabi lamang ng Panglao at madali lang puntahan gamit ang bangka. Kung saan maari kang lumangoy kasama ang mga isda at sisirin ang malalim na bahagi ng isla. Mayaman ang isla sa coral reefs kaya marami din ang iba't ibang uri ng makukulay na isda.



Matapos ang dalawang araw sa Isla ay sinubukan din naming libuting ang ibang tanawin ng bohol dahil hindi magiging kompleto ang bakasyon kung hindi namin mapupuntahan ang sikat na Chocolate Hills.

Sa aming biyahe papuntang Chocolate hills, ito ang ilan sa mga lugar na amin ding pinuntahan:

Butterfly Farm

Simply Butterflies Conservation Center ay ang pinakaunang livelihood breeding and conservation program sa Bohol. Ang kanilang pangunahing layunin ay ang maireserba ang natural na tahanan ng mga paro-paro sa tulong ng pananaliksik, pagpapadami at pagbibigay kalayaan sa mga ito. Pag pasok mo ay agad mong makikita ang mga makukulay na mga bulaklak na pinapalibutan ng mga paro-paro. Sa loob ay maroon din silang palamig na gawa sa butterfly nectar. 

Location: 41 kilometro mula Tagbilaran City, the lone city of Bohol.


Man-made Forest


Madadaanan ang Man-made Forest sa biyahe papuntang Loboc at Bilar Bohol kung saan ang Loboc River Cruise (na hindi namin napuntahan dahil sa kulang kami sa oras) at Butterfly Farm ay matatagpuan. Kaya kahit sa biyahe ay mararamdaman mo ang pagiging isa sa kalikasan dahil sa malamig nitong simoy ng hangin at dahil sa nakakabighaning katahimikan at kagandahan nito ay magmimistulang nasa ibang bansa ka.

Chocolate Hills


Pagkadating sa Carmen Bohol ay aakyatin mo pa ang napaka habang hagdanan papunta sa tuktok upang masilayan ang ganda ng sikat na Chocolate Hills. Mayroong 1,776 burol, na sa sobrang dami ay natatabunan na ang iba ng ulap. Nalaman ko din na maari kang sumakay sa Quad Bike upang libutin ang ilan sa mga burol nito. Sayang lamang at hindi na namin iyon nasubukan sapagkat mag gagabi na at kailangan na naming umalis.

Kung ako man ay makakaapak muli sa Bohol ay gusto kong maranasan at mapasyalan ang iba pang mga lugar nito kagaya ng sikat na Blood Compact at ang tahanan ng sikat nilang hayop na Tarsier.


No comments:

Post a Comment